Lagi kong naiisip, lalo na kapag napapadpad ako sa UP - Ano kayang nangyari sa akin kung sa UP ako nag-aral at hindi sa Ateneo?
Naisip ko naman 'to nu'ng isang gabi matapos kong magpunta sa UP Fair. Unang beses ko! Masaya kase sobrang ibang environment kaysa sa Ateneo. 'Yung host ng program, diretsong nasasabi 'yung 'sex' at 'malibog.' Kung sa Ateneo 'yun, lagot siya sa ADSA panigurado.
Sobrang saya ko na mas pinili ko ang Ateneo. Ang daming bagay na sigurado akong hindi ko mararanasan kung hindi ako sa Ateneo nag-aral. Marami akong minamahal ngayon na hindi ko sana nakilala kung sa UP ako nagpunta. Pero nandu'n pa rin eh, ano kaya pakiramdam kung naging 'Isko/Iska' ako at hindi isang 'True Blue?'
Ngayon, may bagong pagkakataon na makapag-aral ako sa UP. Pero sana ganu'n kadali magdesisyon. Sana p'de ko na lang sabihin na, 'Sige, go na! Para malaman ko na talaga ang pakiramdam.' Pero hindi ganu'n kadali eh. Mahaba-habang pag-iisip 'to. Mahaba & madugong pag-iisip. Haay.
Mahirap ding maging lubos & hayag na masaya. Sana, lahat na lang kami pumasa. Ganu'n pa man, sobra-sobrang nagpapasalamat pa rin ako. Maraming, maraming salamat Po! :)