Sunday, December 20, 2009

COD Christmas Display


Sigurado akong alam ito ng mga lumaki sa 80's o 90's, lalo na 'yung mga nakitira malapit sa Kamaynilaan.


Naisip ko lang, nakaka-miss pala talaga 'yung Christmas display na 'yon. Bigla ko lang naalala. At, ngayong binabalikan ko ang lumang alaala na 'yon, sobrang saya pala.


Minsan, napag-usapan namin 'to ng isang grupo ng mga kaibigan. Pare-pareho naming nasabi na nakaka-miss nga. Tapos naisip nu'ng isa sa amin, paano kaya kung nagkasabay-sabay na pala kaming nanood noon, noong bata pa kami at malamang eh hindi pa namin kilala ang isa't-isa? Oo nga noh? Dahil sikat na pasyalan iyon dati, dahil Cubao ang 'the place to be' noon, hindi malayo na kasabay pala nating nanonood noon ang ilan sa mga taong kalaunan na lang natin nakilala. Baka 'yung batang katabi mo sa gilid ng kalsada na kumakain ng chichirya eh matalik mo nang kaibigan ngayon. O 'yung batang umapak sa 'yo dahil sobrang likot eh magiging kabarkada mo pala. O baka 'yung umiiyak na bata sa harap mo dahil nagpapabuhat sa nanay eh ang crush mo ngayon. Masarap lang isipin ang mga ganitong posibilidad.

Pero wala ng COD eh. Mga limang taon na rin siguro. 'Yung display, nilipat na sa Greenhills. Napanood ko siya nu'ng isang taon. Pero hindi na siya kasing-saya. Baka dahil hindi na ako bata kaya hindi na ako natutuwa. O iba lang talaga 'yung noon. Ewan. Basta, nakaka-miss siya.


 
Taken by Dennis Villegas



No comments:

Post a Comment